2032, Health, Tagalog ba?

Umpisa ng Katapusan

Alas kwatro y media na ng hapon noon. Unang Lunes ng buwan at nakalaan ang oras na iyon para sa aming club meeting. Mula sa mainit na kwarto namin ay lumipat kami sa room ng isa klase sa fourth year. Naka-aircon ito at wala pang mga tao kaya agad kaming nakahanap ni Zhen ng uupuan.

Komportable akong nakaupo noon.  Naka-indian seat pa ako,  kasyang-kasya ako dahil medyo payat pa ako noon.  Isa’t kalahating oras lang ang nakalaan sa vlub meeting kaya nag-umpisa na agad si Mrs. De Vera.  Home Economics club, voting of officers, activities for first quarter, at marami pang iba.

Sampung minuto bago umuwi ay nagsimulang kumirot ang tiyan ko. Sa sobrang nito’y kailangan ko pang pagilin ang paghinga ko para lamang mabawasan ang sakit. Tuloy-tuloy ito hanggang sa i-dismiss na kami.  At parang mahika naman na wala pang dalawang minuto ay nawala na sng sakit ng tiyan.  Nawala na lang basta na parang walang nangyari.

Doon ko nag-umpisang maramdaman na aking kutob na hindi ako aabot ng edad na apat na pu at mamatay ako sa ulcer o colon cancer. Alam kong tama ako,  tama ang kutob ko.

Mula noon,  lahat ng plano ko sa buhay ay nakabase na sa kutob ko na ‘yon. Lahat mula sa kung ilang taon ko magtatrabaho bago mag-anak, ano ang gusto kong puntahan at kailan, LAHAT!

Dumaan ang walong taon,  wala namang kakaibang nangyari hanggang sa n’ong nakaraang linggo, nagsimula na akong dumumi ng dugo.

Nitong nakaraang Biyernes lang,  September 23, ay pinatignan ako nila Mama kay Mang Johnny,  isang mangagamot sa Batangas.  Sabi daw ay kailangan ko nang agapan ang tiyan ito dahil matutuloy na sa Colon cancer. Doon ko lang naalala ulit ang tungkol sa kutob ko.

Hindi ako nababahala,  hindi ako nag-aalala. Pinag-iisipan ko na lang kung maggagamot ba ako o hindi na kasi sa tingin ko ay dun pa rin naman ang tuloy noon.

Halos labing-anim na taon na lang amg mayroon ako at parang nakaparami ko pang gustong gawin.

Inumpisahan ko ang blog na ito upang malaman kung saan ako magaling.  Mukang dito ko na din idodokumento ang mga bagay na gusto ko oang gawin.

Haay.  Makagawa nga ng bucket list.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s