KnS: Lihim

“Lihim” by Shandris

“Tignan mo, maganda ba yan? ” 

“Hmm,  O. K.  lang.” 

At ayan,  matapos ang ilang linggo ng “pagmo-move on” , dyan nanaman sya magsisimula.  Ikukumpara nanaman nya yung sarili nya sa present ng past nya.  

“Eh mukhang nadaan lang naman sa gluta yan eh. ” 

“Medyo chubby pero cute. Hmm, at maganda rin ang hair at mukhang knows mag-make up.  Dyan ka talo girl. ” 

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ‘to. Kahit ang linaw linaw naman na wala na syang babalikan eh stalk pa din ng stalk sa ex nyang gwapo lang. Oo mga ‘teh,  gwapo lang.  Walang utak, medyo medyo lang ang talent tapos lahat dinaan lang sa kagwapuhan. Buti sana kung maganda ang ugali kaso hindi eh. 

Magva-Valentine’s Day nanaman kaya ganito nanaman ang drama nitong lokaret na ‘to. Sabi naka-move on na tapos ayan, ayan nanaman.  

Bitter pa din kasi hanggang ngayon,  kahit ilang beses na silang nag-on off, grabeng umaasa pa din ‘tong si gaga.
“Sana kasi naging lalaki ka na lang talaga, tapos tayo na lang.” 
“Alam mo,  lalaki naman talaga ako.  ‘Yun nga lang hindi tayo talo. Pareho tayo ng hanap girl, alam mo yan” 
“Gawin na lang kitang lalaki,  sige na.  Tutal gusto din naman ako ng mama mo.”
“Gaga ka talaga. ‘Wag ka mangdamay ng iba. Gwapong gwapo ka sakin masyado eh ‘noh?”
Sumandal na sya sa’kin. Nako, mukhang lasing pa din ata ‘to. 
“Hoy girl, OK ka na ba? Halika na, iuuwi na kita.”
Hinarap na yung mukha ko sa kanya, sabay sabing “‘Pag naging lalaki ka at naging akin ka, mamahalin kita ng higit pa sa kanya, tandaan mo yan!” sabay halik sakin.
Hay nako mga friends, dun na nga nangyari ang first kiss namin at to be honest diring diri ako that time.
“Eww girl. Hoy Ica nakakadiri ka na ha. Lume-level up ka sa pangmamanyak sa’kin ha. Halika na, uwi na tayo.”
Jusmiyomarimar, buti na lang may carlalu ang lolo mo, maayos kaming nakauwi. Nawala ang tama ko sa halik ng isang merlat. Nakakaloka ‘tong si Ica kahit kailan. Ohmayghaaad. Pagdating namin sa kanila eh sinalubong agad kami ni Tita at inakyat namin si Ica sa kwarto nya.
“Tita, sorry ha, medyo late na kasi. Ayan, shenglot nanaman sya. Haay.”
“Nako Anj, kahit ilang araw pa, ikaw naman ang kasama kaya alam kong safe sya. ”
“Hoy! Ikaw Anj! Angela! Angeline! Gagawin kitang Andrew ulit, kala mo! Magiging akin ka rin!” 
“Nako Ica, mandiri ka nga! Ihahanap na lang kita ng ibang boylet, di tayo talo ‘noh” sagot ko. 
“Alam mo, kung naging lalaki ka lang, gusto ko kayo na lang talaga.” 
Nako Tita, kung alam nyo lang.

Kung alam nyo lang na ilang buwan na din akong nagdadalawang isip kasi pakiramdam ko natitibo na ko, nako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s