Strict VS Mabait

Ano nga ba ang mas OK? ‘Yung istriktong propesor o yung masyadong mabait?

This slideshow requires JavaScript.

[Check the Original Post HERE ]

Nakita ko ang post na ito habang nagmumuni-muni ako sa CR kanina. Wala lang, ramdam na ramdam ko yung sinasabi ni sender kasi pareho kami ng opinyon. Mas gusto ko yung mga propesor na istrikto kasi mas matututo ka talaga sa kanila.

Noong nasa kolehiyo ako, isa sa mga kinaiinisan ng mga kaklase ko ay iyong mga “minor (subjects) na feeling major”.

Karamihan pa ng mga propesor namin sa minor subjects, sila pa iyong mga istrikto kasi alam nilang madalas sila ‘yung mga hindi sineseryoso ng mga estudyante. Kumbaga, hindi sila priority kasi kahit hindi ipasa eh makakalusot pa din at pwedeng i-take ulit next sem.

Isa sa propesor na naaalala ko dito sa post na ito ay si Sir Enriquez. Professor namin sya sa Economics at isa kami sa mga unang estudyante nya kaya halatang kabado pa sya sa mga klase namin. Kahit na kabado sya, makikita mong marami syang gustong ituro at ibahagi sa mga estudyante nya. Kahit sa tingin ko eh boring yung Economics, nagustuhan ko dahil ramdam ko yung passion nyang magbahaig ng kaalaman niya. Nakakalungkot lang na yung mga kaklase ko eh gaya ng dini-describe ni sender. ‘Yung harap-harap mambastos, sa harap nya mismo nagse-cellphone, nagqui-quiz pero nagtatawanan sila. Ganun!

Hindi ako magmamalinis kasi hindi ako perpektong estudyante. Natutulog din ako sa mga klase, kahit sa klase ng Dean namin natutulog ako at ganun din sa klase nya. Pero kahit tulog ako, sinisiguro kong pasado ako.

Sana ay mas dumami pa ang mga propesor na istrikto kasi sa kanila mas matututo ang mga estudyante. At kay Sir, ‘di ko alam kung nagtuturo ka pa pero ituloy mo lang ang passion mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s