15-minute Freestyle with a Twist

Minsan kahit na napakarami kong gustong isulat, walang lumalabas na salita sa isip ko. Writer’s block na ba ito? Eh hindi naman ako writer. Bakit nga ba ganito? Minsan, kung kailan wala akong papel at ballpen at kung kailan malayo ang cellphone ko, tsaka ako maraming naiisip na isulat.

Nakakasuya. Nakakainis. Nakakabwisit. Nakakapanlumo.

Minsan mapipilitan kang mag-post ng mga bagay na walang kalatuy-latuy at sabaw na post kasi yung idea mo, wala na. O kaya naman, kung kailan pwede ka na magsulat, wala ka namang idea. Pareho lang ang ending: WALA PA RIN!

At ngayon, ito! Nauwi sa 15-minute freestyle dahil wala talaga. Yung utak ko, lutang nanaman. Walang iisang thought. Maraming istoryang hindi mapagkabit-kabit.

Sulat ng sulat, pangtanggal muna ng pressure at stress.

Baka sakaling mamaya, okay na ulit.

Baka sakaling mamaya, makapag-sulat na ulit.

Baka sakaling mamaya, umalis na yung babaeng nakatingin sa bintana namin.

Tang ina. Good night!

Umpisa ng Katapusan

Alas kwatro y media na ng hapon noon. Unang Lunes ng buwan at nakalaan ang oras na iyon para sa aming club meeting. Mula sa mainit na kwarto namin ay lumipat kami sa room ng isa klase sa fourth year. Naka-aircon ito at wala pang mga tao kaya agad kaming nakahanap ni Zhen ng uupuan.

Komportable akong nakaupo noon. Β Naka-indian seat pa ako, Β kasyang-kasya ako dahil medyo payat pa ako noon. Β Isa’t kalahating oras lang ang nakalaan sa vlub meeting kaya nag-umpisa na agad si Mrs. De Vera. Β Home Economics club, voting of officers, activities for first quarter, at marami pang iba.

Continue reading

Panaginip

Tahimik na nakaupo si Isay sa kusina habang nakatingin sa kanyang cellphone. Balisa at paulit ulit na binabasa ang mga text,  tinitignan ang call history at pati na rin ang mga nasa gallery.

Alas-dose na ng gabi nang lumabas si Kardo sa kanilang kwarto at tinabihan si Isay.  Inakbayan nya at hinalikan sa ulo ang kanyang asawa. 

“Sino ka? ” tanong ni Isay habang nakatingin pa rin sa cellphone. “Sino ka ba talaga? ” dahan dahan nitong tinignan ang lalaking tumabi sa kanya. 

“Asawa mo ‘ko,  ‘di ba? ” sabi ni Kardo na lalo pang hinigpitan ang akbay,  sabay ngiti. 

Pinakita ni Isay ang mga text ng kapatid nya. 

“Naaksidente si Kardo,  nandito kami sa. ospital”

“Ate,  wala na si Kuya.  Dead on arrival daw”

Tumawa ng malakas si Kardo. Tawang nakakapanindig balahibo.  “Alam mo na pala”, sabay pisil sa balikat ni Isay. 

Dahan dahan itong nilingon ni Isay. Isang nakakatakot na nilalang na ang katabi nya. 

“Sabi sayo ako ang asawa mo,  ako ang tunay na asawa mo” 

Hindi na makagalaw si Isay. Pinilit nyang sumigaw at kumilos.  Bigla syang nagising,  panaginip lang pala. Pagbangon nya, naulit nanaman ang lahat. Hanggang sa magising syang muli. 

“Kardo,  patay na ang asawa mo.  Binangungot.”